mommy, daddy, ate

kumsuta kayo dyan? pumunta kami nina kuya sa reunion nung nakaraang sabado, pero mga ilang oras lang din naman kami dun. may konti akong litratong nakuha, di ko pa lang nau-upload para makita nyo. isasabay ko na lang sa makukuha ko sa pasko, at mukhang plano namin ni kuya na pumunta sa Obando nun.

daddy at mommy, yung pinadala nyong sunglasses ay madalas kong sinuot, pero napansin ko sumasakit ulo ko pagkatapos. nung di ko na sinuot, ok na ako. tingnan ko ulit kung sasakit ulo ko kapag sinuot ko ulit.

ate, salamat dun sa electric shaver na pinadala mo. ginamit na rin namin ni kuya agad, at kalbong-kalbo na mga bumbunan namin ngayon. iniisip lang namin kung pano pag mapurol na, pano makakuha ng kapalit na blade.

oo nga pala, pumunta din kami sa binyag ni Andre, pero pagkatapos ng kainan, umalis na rin kami, at may iba pa palang pupuntahang binyag si kuya na sya rin ang ninong.

hanggang dito na lang muna. alam ko medyo di naman interesting yung mga bago kong entries, kaya heto’t gumawa ako para sa inyo. meri krismas na rin sa inyong lahat dyan.

Tagged

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *