Peste.

Ganito kasi yun.


Ang allotted time ko na oras sa pagpasok ay naglalaro na ngayon sa isa, hanggang isa’t kalahating oras. Sabihin man nating ubod ng mahal ang pinatong ng mga Lopezes sa bayad sa tollgate sa North Luzon, nagpapasalamat na rin ako at mabilis na ang byahe.

Hayun, nakasakay ako quarter to ten sa isang aircon bus, at wala namang problema ang byahe, hanggang napansin kong lumiko sya sa West Avenue sa Quezon City, sa halip na dumeretso ng EDSA. Nang lumagpas din ito ng Quezon Avenue, nagtaka na ako, sa dalawang bagay. Una, san papunta itong hinayupak na ito, at pangalawa, bakit walang nagsasalita sa mga pasahero. Nasa likuran ako, at nung napansin kong mga 10:20, nagtanong na ako sa konduktor.

May idadaan daw sa may Sampaloc.

Anak ng putargis itong mga ito, wala man lang pasabi sa mga pasahero. Huminto ang bus sa may Lacson (kung saan man yun). Nung napansin kong Quiapo area na kami, nag-init na ako, at dahil pa rin sa unang mga pinagtatakahan ko. Bandang Taft, napansin kong pag humihinto ito, binubuksan ang pintuan. Wala naman akong nakikitang bumababa o umaakyat. Nasa bandang Ermita na yata, nagsalita na ako. Di ko inanghangan ang mga salita ko, pero pinapansin ko sa lahat na bad trip akong sobra. Dependent ako sa serbisyo nila, mahirap na. Noon din, napansin kong wala na yung konduktor.

Tinawagan ko Team Leader ko. Buti na lang mabait sya, pwede daw ako magtrabaho na lang ng late shift, isang oras after sa actual shift ko.

Dumaan sya ng Makati. Anak ng putakte. Ang sarap murahin nilang lahat. May dalawang tao na nagtatanong sa akin kung nasaan na kami, wala pa rin pakialam si ulol na drayber. Gago.

Isa pa. Nagsabi na akong mag Crossing Ibabaw sya. Napansin ko din merong bababa sa gawi ko. Ano nangyari? Nag-Ilalim pa rin, at hininto lang kami sa may pwedeng babaan bago umilalim. Tarantado. Nakapag-usap kami nung kasabay ko, minura ko ng minura ang mga salarin.

Bus 9729 sya. Ang dami kong inisip pwede gawin nung byahe, pero buti tinatamaan pa rin ako ng katinuan. Tatawagan ko ang kompanya nila, hinayupak sila.

Oo nga pala, di pa ako tinicketan. Ina nyo. Ina nyo lahat.

Tagged

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *