Rebyu: Leaving in Sorrow ni Vincent Chui


[image source]

Ang Leaving in Sorrow (Youyou chouchou de zou le) ay tatlong kwento ng ilang indibidwal na taga Hong Kong, na sa malaking parte ay ginanap nung 1997. May isang mag-asawang pastor at real estate agent, na nagkalamat ang pagsasama dahil sa kakulangan sa tiwala, at ang pagnanais na mangibang-bayan. May isang US-educated na lothario na muling nakikisama sa kanyang matanda nang ama. Ang huli ay tungkol sa isang magazine editor na may stalker/manliligaw na ka-opisina, na batang-bata para sa edad nya. Di lahat ng kwentong ito ay malaman, lalo na sa kwento ni lothario.

Naka-tema sa mga pangyayari sa pelikula ang mga kaguluhang politkal at kultural sa panahon na yun ng Hong Kong, na madaling pinapakita sa balita sa TV. Di ito halata, di ito nagpapataas ng relevance-level, pero nakapagbigay naman ito ng maayos na timeframe sa manonood. Kaya lang, para sa isang di maalam sa history, mahirap makuha ang kahalagahan ng mga pangyayari, dahil nga sa manipis na presentrasyon nito.

Sa tatlong kwento, ang pinaka-interesting ay sa mag-asawa. Madaling ihambing ito sa kaisipan at karanasang pinoy, lalo na sa desire na mag-immigrate sa ibang bansa. Pwedeng-pwede nga itong storyline sa isang soap opera, pero bibigyan ko naman ng credit ang direktor nito, dahil maayos at naangkop naman ang pagkakadali nya, at kahit na nagkabahid ng pagka-preachy dahil sa mga sermon ni pastor, nakabwelo at nakabawi naman ito, at lumalabas lang na parte ito ng kwento. Ang cosmopolitan, yuppie-vibe naman na nakuha sa kwento ni magazine editor ay may pagka-hilaw ang development, at butas-butas, pero madaling madala sa mga emosyon na dinala nito.

Ito ang unang film na ginawa ni Vincent Chui. Ang pag-execute ng pelikula ay digital, at base sa Dogme95, na konsepto ni Lars Von Trier (ang una kong exposure sa ganitong klaseng pelikula ay sa The Celebation ni Thomas Vinterberg). Umangkop ang ganitong diskarte sa Leaving in Sorrow, at malinis-linis pa rin naman ang pagkaka-edit at paghawak sa camera.

[Listening to: Oldskool Hardcore 88-94 – Kid Dynamite – (1:06:25)]
Tagged

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *