Sa Intramuros, Bawal Mag-Litrato!

Noong Linggo, maagang parte ng gabi, sa Intramuros, doon sa may dulong nakasuksok ang dalawang kapehan ako nag-isip subukan mag night photography, at hinayang na hinayang ako at wala akong nakunang maayos sa afternoon shoot namin para sa basic photography workshop ko.

Naglakad pa ako ng konti, at napunta ako dun sa entrada na madalas na labasan at pasukan ng mga estudyante (yata). Umakyat ulit ako dun sa may wall mismo, pero sinita ako ng guwardya: bawal daw mag-litrato sa Intramuros.

Ok, sige, masyado akong halata, at ang DSLR camera ko na malaki na sa hitsura, nakadagdag pa yung vertical battery grip, at nakasuksok pa sa tripod na naka-extend ang legs. Sabi ko, sige, di ako magti-tripod. Di daw pwede, utos daw, bilin sa kanila e. Di sya makatingin sa akin ng deretso, kaya inisip kong sumusunod lang naman talaga sya sa utos, o kaya nakapasok na sya sa ganitong sitwasyon dati. Sabay alok kong ipakita ang kakukuha ko lang na ID na nagpapatunay na isa akong estudyante ng photography classes, sa malapit lang na Fort Santiago. Walang imik si gwardya.

Tinanong ko na lang: E pa’no pag may turista? Bawal pa din? Sa punto nito, gusto kong makinig, pero alam ko din namang wala akong mapipigang matinong sagot sa kanya. Ni-rason ko ang sarili ko na di naman ako nakikipag-argumento, di nakikipag-away, humihingi lang ng eksplanasyon na maayos.

Maka-tanghali nung araw rin na yun, kinuwento ng kwelang Ma’am Cecilia Angeles kung pano nya nalusutan ang mga nagbabantay sa isang gawi ng Makati para makakuha ang mg estudyante nya na pinagbabawalan daw magkuha-kuha ng litrato. Umabot daw sila ng kalahating oras kaka-diskurso nung taga-bantay, habang click lang ng click ng camera nila ang mga estudyante nya sa paligid. Meron din syang isang kinwento na hiniling pa nyang kausapin ang ‘bisor ng mga nagbabawal, na sa huli, wala namang pakialam kung may kumukuha sa lugar nila.

Nadala na lang sa awa siguro ako at di ko na pinursigi ang punto ko. Naisip ko na rin na maswerte ako at napunta ako ng China, na kung saan mabibilang ko sa isang kamay ang mga sinigawan ako para wag kunan ang kinukunan ko: di ko nga lang sigurado kung yun nga ang sinisigaw sa akin, at di naman ako nakakaintindi ng Intsik. Dito sa Pinas, bihira lang ako magsadya mag-shoot sa mga espesyal na locations, at pangalawang beses ko na to pinagbawalan (yung isa ay kinwento ko na dito).

Tandaan nyo na lang: sa Intramuros, sa isang pinagmamalaking TOURIST SPOT ng Maynila, at isang lugar din na binanggit nang ma-detalye ni Neal Stephenson sa kanyang librong Cryptonomicon (random fact na singit lang), BAWAL MAG-LITRATO daw!

#

UPDATE

Eto pala ang aking unang submission para sa workshop:

See!

Click nyo ang litrato para makakuha pa ng kwento.

2 thoughts on “Sa Intramuros, Bawal Mag-Litrato!”

  1. wow, bawal magkodakan sa lugar na yun? as if naman merong terrorista na magpapasabog ng lugar na yun diba? eh nung sinaunang panahon, kinakanyon yung lugar na yun ng mga kastilla… siguro natakot lang na pasabugin mo yung mga pader nila kasi Canon yung brand ng itinututok mong arsenal sa kanila. mweheheheheh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *