Nationalistic Meme?

Sabi ni Jonas, kaklase ko nung college: “What are the 3 signs you see happening now that make you say, “It feels great to be Pinoy

Sagutin ko to ng Tagalog, palagay ko mas angkop para sa tema.

1) Ang pagpapakita sa nakaraang eleksyon ng pakikialam sa umiiral ng sitemang pulitikal ng bansa, at ang pagdadamay ng mga pangalan sa balota na mas may saysay kaysa sa yung hinain lang ng gobyerno, kahit na isa ako sa nagnanais na sana may isang sulok pa sa nananatiliang dualismo sa pulitika. Una ito sa listahan dahil sa relvance sa panahon, pero mas masusubukan ito sa nalalapit na pangpanghulong halalan.

2) Ang pagkakaroon pa rin ng espirito ng idealismo, at ang walang hanggang pagnanais para umunlad ang kamalayan ng Pinoy para sa ikabubuti ng kalagayan ng pamumuhay ng nakakarami -na di lang sa kalagayan ng pangangalakal ng bansa, dulot ng foreign investment/overseas employment- at ang pagsikap na matupad ito.


3) Na mayroon pa ring panaka-nakang nakakausap na tumatangkilik sa makubuluhang (vs. komersyal, for-profit) sining ng pelikula, musika, at history at kultura ng Pinoy (na di lang yung binibigay ng media).

Ang masama dito, sabi ko nga sa huling item sa listahan, di ko masasabi ito para sa lahat -o kahit nga sa isang significant na bahagi ng populace- ng Pinoy. Mahirap gumawa ng ganitong lista, at mas madami pa rin akong kinasasama ng loob sa lahi ko, pero di ko sinasabing aabondonahin ang lahi ko kung binigyan ng pagkakataon na mag-angkin ng iba. Sa mga may kilala ako ng lubusan, alam na hinding-hindi mangyayari yun.

#

Sa pagkakahumaling ko sa photography, napapabayaan ko na ang pag-blog, bumaba na page rank ko, malamang at di na ako kikita masyado na rin. Pati, di na ako nakikisalo sa mga blog group activities. Eto na ba ang gusto kong sitwasyon talaga? :/

2 thoughts on “Nationalistic Meme?”

  1. Thanks Rain! Galing, ikaw pa lang yata ang unang sumagot ng meme sa ating sariling wika. 🙂 Kamusta na? Long time no see, andito ka na pala uli. Let’s meet some time para magkuwentuhan, libre kita ng kape. 🙂

  2. Welkam! Eto, nahuhumaling sa paglilitrato, nabawasan na ka-adikan sa blog, wala na ako paki pag-aralan ang SEO para kumita. Photography lang. At girls. Hehe.

    Sige, man! Pag nadaan ka dito Libis. Hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *